Kahapon kasi after ng class namin sa review nakasanayan ng mag mcdo. Tapos after namin mag-order pag-akyat namin, may party dun sa part ng mcdo na palagi namin inuupuan so no choice kami kundi mag hiwa-hiwalay. Then ayun, syempre expected na mag-iingay kami dun kasi ganun naman usually ginagawa ng mga teenagers sa mga fast food chains diba? Habang nasa climax kami ng aming pagtawa, may lalaking nagsalita, he’s kinda old na din at may kasama siyang matandang babae. Sabi niya “Excuse me, hindi lang kayo ang tao dito ah. Ang ingay niyo, kanina pa kayo tawa ng tawa. May mga sumisigaw pa. TEACHER ako. Ganyan ba tinuturo sa inyo sa school… blahblahblah…” Aba syempre nanahimik naman kami. Pero nakakainis lang.. hindi niya naman kailangan ipagduldulan samin na teacher siya eh. And so? Kung magaling siyang teacher sana marunong siyang mag-approach ng maayos. Sana sinabi niyang “Excuse me guys, pwede kayong mag-usap pero sana pakihinaan lang yung boses niyo kasi hindi lang kayo ang tao dito.. blahblah” diba? Eh yung mga crew nga hindi kami sinasaway eh. Kung gusto nila mag-usap ng masinsinan ng kasama niya, aba sa starbucks sila pumunta wag sa mcdo! Kaka-BV lang parang tanga. Ang sarap kaya niyang sagutin na.. “So what kung teacher kayo? Yun na nga eh teacher kayo at wala kami sa school para sitahin niyo, public place po kasi to kaya expect niyo na maingay dito, bakit hindi niyo try pagalitan yung mga nagpaparty? MAS MAINGAY SILA SAMIN OH!” ka-BV talaga uggggggggh >.< ang sarap kaya niya asarin.. hahahaha epal si sir!




